Thursday, August 4, 2011

GEN. LICERIO GERONIMO(1855-1924)

Si Hen. Licerio Geronimo ay ipinanganak sa Sampalok Maynila noong Agosto 27, 1855 sa mag-asawang Graciano Geronimo na tubong Montalban at Flaviana Imaya na tubong Gapan Nueva Ecija. Siya ang panganay sa anim na magkakapatid. Noong siyay siyam na taong gulang, nilisan niya ang maynila at tumira sa kanyang Lolo sa San Miguel Bulakan. Muling lumipat noong siya ay katorse anyos sa tirahan ng kanyang ama sa Montalban.

Noong kanyang kabataan ang kanyang pangunahing trabaho ay pagsasaka. Siya ang gumagawa ng mga gawain sa kanilang bukirin. Namumutol siya ng mga damo(zacate)para ibenta sa mga alagaing hayop ng mga taga Montalban at nangangalap ng mga kahoy sa kagubatan upang ipagbili bilang panggatong ng mga tao sa kanilang mga tahanan.

Hindi nakapag-aral si Hen. Licerio Geronimo, ang kahirapan at mga gawain sa kanilang bukid ang itinuturong dahilan kung bakit hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral. Pero marunong siyang bumasa at sumulat, itoy dahil sa tulong ng kanyang mga kaibigang nagturo sa kanya kung papaano basahin ang alpabeto. Sa kanyang pagnanais na matuto, inilaan niya ang kanyang oras sa pagpapahinga sa pagbabasa ng mga "corredos" at "awit" habang nasa bukid at nagpapahinga sa likod ng kalabaw.
Cayetana Linco(Lincaoco)

Napangasawa niya si Gng. Francisca Reyes, subalit ng ma-byudo, pinakasalan niya si Bb. Cayetana Linco ng San Mateo at nagkaroon siya ng limang anak dito. Binuhay niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka at di naglaon ay pagbabangkero mula Maynila hanggang ilog Pasig at Marikina.

PANAHON NG REBOLUSYON(1896)
Noong 1925 nakapanayam ni Dr. Antonio Isidro, isang propesor sa UP Diliman si Hen. Licerio Geronimo sa kanyang tahanan sa Montalban Rizal. Ito ang huling panayam ng butihing heneral bago ito mamatay noong 1927. Bahagi ng panayam ang mga kaganapan simula noong unang sumapi siya sa Katipunan hanggang sa sumabog ang Rebolusyon noong Agosto 1896. Tunghayan natin ang bahaging ito ng panayan ni Dr. Antonio Isidro kay Hen. Cerio sa wikang Ingles.

"From 1892 to the outbreak of the revolution the founder of the Katipunan and his associates were laying the foundaton of that venerable association. One day, Andres Bonifacio went to Felix Umali, the aguacil mayor of Wawa Montalban for the porpose of inducing him to join the fold of the Katipunan. After a breif explanation of the aims of the association and an interchange of views, the aguacil embraced the teaching of the katipunan and called upon his godson litle Cerio who was living in the neighborhood. This was Geronimos first meeting with Andres Bonifacio. Upon being informed of the mission of the greatest Filipino Plebeian he entered the brotherhood of the K.K.K. and became a secret component of that society. The aguacil and he worked hard for the cause of the Katipunan. A few days later the number increased to such a proportion that it became necessary for the father of the Katipunan to choose from among them a recognized leader. The happy choice fell upon Felix Umali who refused the appointment on the ground of advanced age, but recommended his godson Cerio. Acting upon the recomendation, Bonifacio appointed Licerio Geronimo to be the leader in the community. This was the beginning of his spendid military career. On the eve of the revolution of 1896 Licerio Geronimo received a note from Andres Bonifacio ordering him to proceed directly and immediately to Balintawak and to receive for distribution among his followers the guns that had just arrived from Japan. A few days later the "Cry of Balintawak" was proclaimed and the machinery of the Katipunan was set in motion. " --- Gen. Liceri Geronimo, an Obscure Hero of the Past Revolution by: Dr. Antonio Isidro

ANG TROPANG NAKA BUKAWE(BAMBOO SPEAR)
Ang mga tropang ito na tintukoy sa ating kasaysayan na armado ng "Bukawe" ay tinatantya kong tumutukoy sa natatanging tropa ni Licerio Geronimo na nagmula sa Montalban, San Mateo at Marikina.(Madalas na ipinakikita sa mga Obra ng mga Pintor ang mga Katipunerong may armas na Bukawe)

Hindi lahat ng mga Katipunero(lalo na ang mga Katipunero sa Maynila)ay makakakitaan ng ganitong armas noon. Tanging ang mga Katipunerong mula sa labas ng Maynila partikular na ang mga Katipunero sa gilid ng bundok Montalban, San Mateo at Marikina lang ang maaaring nakapag-armas nito.

Talamak kasi sa mga bundok na ito ang mga "buhong kawayan" at sa mga buhong kawayan kasi nagmumula ang armas na Bukawe(Bamboo Spear)pinatatalas nila ito at isinasalang sa apoy upang tumulis at tumibay.

Ang tropang ito na naka "Bukawe" ay kasamang lumusob ni Licerio Geronimo sa Polvorin(gunpowder depot)at El Deposito(water reservoir)ng mga Kastila sa San Juan Del Monte noong Agosto 30, 1896. Narito ang pagpapatuloy ng salaysay ng butihing heneral ayon sa panayam ni Dr. Antonio Isidro;

"He went to the Polvorin accompanied by a few of his followers  and shot a lieutenant of the "Casadores"; two days later, under cover of night, they attacked with their "BUKAWE," the Spanish soldiers in the street of San Juan Del Monte. After this petty attacks, he returned to his locality to organize more companions. He was able to recruit under his banner a number of  folowers from the owns of Montalban, San Mateo and Marikina in an amazing short time. This host of men who were ready to die for their country's sake greatly admired this brilliant organizer and elected him as their own lider. With indomitable courage and fervent patriotism the soldiers equipped with nothing but spears(BUKAWE)and a handful of guns, left their families in defense of their brothers in the neighboring provinces. They encountered strong opposition in Novaliches and San Miguel, where they lost hundreads of their comrades. In other battles, needless to say, they won, not because of fortifications and equipment, but by dint of bravery and strategy."--- Gen. Liceri Geronimo, an Obscure Hero of the Past Revolution by: Dr. Antonio Isidro
 
HENERAL CERIO
Hindi pa ganap na heneral si Licerio Geronimo ng pumutok ang rebolusyon at ng lusubin nila ang mga Kastila sa Polvorista at El Diposito San Juan Del Monte. Lubusan siyang naging heneral noong Oktubre 5, 1896 ng magpatawag ng pagpupulong ang Supremo Andres Bonifacio sa Balara upang mag reorganisa at maghalal ng mga bagong heneral ng Katipunan. Narito ang tala ni Hen. Santiago "Apoy" Alvares sa kanyang aklat na "Ang Katipunan at ang Rebolusyon".

Nung araw ng lunes ika-5 ng Oktubre 1896 sa Balara ang supremo Andres Bonifacio ay nagsimula ng pagpapatibay sa mga Pnong Hkbo na halal ng mga kawal. At ang Katipunang Licerio Geronimo, pinasyahang mag-ayos at magdala ng mga kawal sa tungkuling Heneral ng Brigada, samantalang ang Hen. Ramon Bernardo ay itinaas sa tungkuling Heneral ng Dibisyon.--- The Katipunan and the Revolution by: Santiago "Apoy" Alvares 


Dito naging ganap na heneral ng Katipunan si Hen. Licerio Geronimo. Nakilala ang kanyang pangalan dahil sa mga natatanging tagumpay sa labanan na kanyang iniambag para sa rebolusyon.

PAGBAGSAK NG CAVITE
Bumagsak ang Cavite sa kamay ng mga Kastila, ang itinuturing na pinakamalakas na moog ng rebolusyon. Napilitan ang nooy tinutugis ng mga Kastila na si Hen. Emilio Aguinaldo na lisanin ang Cavite at lumipat sa bulubundukin ng Bulakan para ipagpatuloy ang kanyang laban. Ganito ang naitala ng mananalaysay na si Quirino tungkol sa pagpapatuloy ng labanan. "The back of the rebel army in Cavite, true enough, had been broken, but the revolution itself, which manifested its resurgence in a dozen uprising all over Central Luzon during the rest of the month of May, continued unabated. Bloody skirmishes took place in Zambales, Bataan, Laguna, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga and Tayabas."---Filipinos at War by: Carlos Quirino

PAMAHALAANG DEPARTAMENTAL NG GITNANG LUZON
Pansamantala siyang nanatili sa Mt. Puray isang bundok sa pagitan ng Bulakan at Montalban na nooy naging moog ng tropa ni Hen. Licerio Geronimo. Dito nagpatawag siya(Hen. Emilio Aguinaldo)ng asembleya ng mga lider ng rebolusyon upang magtatag ng isang PAMAHALAANG DEPARTAMENTAL NG GITNANG LUZON. Sa asembleyang ito maghahalal sila ng mga heneral para sa itatatag na mga dibisyon militar(military division)kung saan hahatiin ang Pilipinas. Isa si Hen. Cerio sa npiling maging bagong Tenyente Heneral ng Hukbong panghimagsikan na mamumuno sa dibisyon ng Rizal.

TAGUMPAY SA BUNDOK PURAY(VICTORY AT MOUNT PURAY)
Matapos ang asembleya sa Bundok Puray ay nilusob sila ng isang malakas na pwersa ng mga Kastila na nasa ilalim ng pamumuno ni Col. Dujiol ng Hukbong Sandatahan ng Espana.(Spanish Army)Nilampaso ni Hen. Cerio ang pwersang ito at pinauwing talunan. Narito ang mga tala nina Hen. Santiago Alvares at G. Carlos Quirino tungkol sa nasabing labanan.

"Let us now turn the attention to the march of the army of the President of the Philippine Republic, Gen. Emilio Aguinaldo, over the mountains of Rizal and Bulakan. After they left Mount Kabangan, they crossed Pasig river t the sight called Malapad-na-bato nd proceeded in Montalban. At the invitation of Gen. Licerio Geronimo, they encamped at Mount Puray. There they rested several days to allow Gen. Aguinaldo to recover from an illness he had contracted during the march. They were attaked by the Spaniards as soon as their whereabouts where discovered. The peoples troops fearlessly fought against the enemy and resolutely defended the motherland even at the cost of their own lives. After about five hours of fierce shooting, stabbing and shouting, the Spaniards were forced to retreat, scampering over the many dead bodies of their fallen men. This battle was a signal victory for Gen. Licerio Geronimo, brigadier general in the army of Supremo Andres Bonifacio. General Geronimo was then and there promoted to lieutenant general in the army of the Philippine Republic by Pres. Emilio Aguinaldo. --- The Katipunn and the Revolution by: Santiago "Apoy" Alvares

Sa higit pang detalye sa nasabing labanan, narito ang mga tala ni G. Carlos Quirino sa kanyang aklat na "Filipinos at War".

 "Col. Dujiols column forged confidently ahead until it met with moderate resistance on the mountain trail from snipers hidden in the brushes. He then decided to move up his troops by following the river bed of Puray until he came to a slight plateau at the base of the mountain. Here his advance ground to at halt as the insurgent fire increased; they could not shoot back effectively at the rebels who were hidden behind the rocks and brushes. The stalemate was broken three hours later when a large group of natives, dressed in loyalist uniforms(Cazadores)made their appearance at one side of the plateau, shouting in spanish, 'Dont fire, we are Cazadores!' Then bugles blew the clear notes of 'cease firing'. Dujiol's troops, believing that the column led by Major Primo de Rivera had arrived, rose to greet them. Instead of camaraderie, however, they were met with murderous close-range rifle fire. The enemy taskforce returned to Montalban and San Mateo by midnight, thoroughly whipped. The Marquess vehemently denied that this encounter was a humiliating defeat, but a contemporary Spanish chronicler described it as a 'glorious calamity'. 'The insurgents suffered many losses,' admitted the chronicler, 'but ours was much more.'" --- Filipinos at War by: Carlos Quirino

 Lalo pang nakilala sa hanay ng mga rebolusyonaryo ang pangalan ni Hen. Cerio ng atakihin at mahuli niya ang 50 karwahe(carts)ng suplay at bala ng mga Kastila.

DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO
Noong sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899 ang matapang na Hen. Cerio ay retirado na sa kanyang buhay rebolusyonaryo. Ayon sa kanyang apo na si Kon. Eddie Ocampo(sa kanyang isinulat na maikling talambuhay ng kanyang Lolo Cerio)ang kanyang lolo ay nasa kanyang bukid sa San Mateo at nilalasap ang kapanatagan ng buhay kasama ang kanyang pamilya nong pumutok ang digmaan.

Nagambala ang kapanatagang ito ng kanyang buhay pampamilya ng makatanggap siya ng liham mula sa Kongreso ng Unang Republika. Siya ay inaatasang makipagkita kay Hen. Antonio Luna na nooy ang Puno ng Sandatahang Lakas ng Unang Republika para sa isang panayam. Matapos ang panayam, itinalaga siya ni Hen. Antonio Luna bilang heneral ng Tercera Zona na binubuo ng mga bayan sa silangan ng Maynila.

ANG BRIGADA HEN. LICERIO GERONIMO
Sa panahong ito ng digmaan, nasakop na ng mga amerikano ang mga dating posisyon ng mga tropang Republkano sa Maynila. Dahil dito ikinasa ang isang "Pagbawi". Bumuo ng limang brigada si Hen. Antonio Luna upang pasimulan ang pagbawing ito sa maynila. Isa sa Brigadang ito ay ang Brigada Hen. Licerio Geronimo na siyang mangangasiwa sa muling pagbawi sa ilang teritoryo ng Ikatlong Sona ng Maynila(Tercera Zona)na sinakop ng mga amerikano.

ANG PAGBAWI SA MAYNILA(RETAKING OF MANILA)
Ikinasa ang pagbawi sa Maynila sa petsa ng Pebrero 22 1899. Layunin ni Hen. Antonio Luna na durugin ang depensa ng mga amerikano sa palibot ng maynila. Plano niyang pagtagpuin ang kanyang limang brigada sa loob ng maynila para matulungan ang sampung libong mga "sandatahanes" na nananalanta sa hana ng mga amerikano doon.